Ehem

Kakapasok pa lang namin non sa Booksale sa Glorietta. Tahimik na tahimik ang mga tao. Nang biglang may nag-ehem. Ehem-ehem-ehem. Bigla ba naman nagtatawa si Estong. At hind lang basta tawa, humalakhak sya. Todo halakhak. Syempre kami alam namin kung bakit sya natawa. Naaliw sya dun sa ehem ng mama. E hindi ata napapansin ng mama. Ehem-ehem na naman sya. Halakhak na naman si kulit. Nakupo, tawa din kami ng tawa. At habang tumatawa, nagdadasal ako na sana di mapansin ng mama na sya ang pinagtatawanan naming tatlo. Kaloka ‘tong batang ‘to. Bata pa lang naghahanap na ng away. Walang kamalay-malay yung mama, pinagtatawanan na pala nya. Hehehehe. Matagal na tawanan din yun at sa sobrang tagal, inilabas na sya ng kanyang ama sa Booksale. Ang sarap nga daw tumawa ni Estong sabi nung saleslady. At ng mahimasmasan si kulit, ibinalik na sya ulit ng kanyang ama sa loob. Nang biglang dumating si Imelda Marcos. At buti na lang di nag-ehem si Imelda, kundi lagot kami. ;D
















Leave a Comment